Verse 1
Sadyang Kay Buti Ng Ating Panginoon
Magtatapat Sa Habang Panahon
Maging Sa Kabila Ng
Ating Pagkukulang
Biyaya Niya’y Patuloy Na Laan
Verse 2
Katulad Ng Pagsinag Ng Gintong Araw
Patuloy Siyang Nagbibigay Tanglaw
Kaya Sa Puso Ko’t Damdamin
Katapatan Niya’y Aking Pupurihin
Chorus
Dakila Ka, O Diyos
Tapat Ka Ngang Tunay
Magmula Pa Sa Ugat Ng Aming Lahi
Mundo’y Magunaw Man,
Maasahan Kang Lagi
Maging Hanggang Wakas
Nitong Buhay
Verse 3
Kaya, O Diyos,
Kita’y Laging Pupurihin
Sa Buong Mundo’y Aking Aawitin
Dakila Ang Iyong Katapatan
Pag Ibig Mo’y Walang Hanggan....
Walang Hanggannn.....
Chorus
Dakila Ka, O Diyos
Tapat Ka Ngang Tunay
Magmula Pa Sa Ugat Ng Aming Lahi
Mundo’y Magunaw Man,
Maasahan Kang Lagi
Maging Hanggang Wakas
Nitong Buhay
Chorus 2
Dakila Ka, O Diyos
Sa Habang Panahon
Katapatan Mo'y Matibay Na Sandigan
Sa Bawat Pighati Tagumpay
Man Ay Naroon
Daluyan Ng Pag Asa Kung
Kailanga'y Hinahon
Pag Ibig Mo'y Laan Samin
Noon Hanggang Ngayon
Daki La Ka
Daki La Ka
Daki La Ka
O Diyos
O Diyos
Bridge 1
Hesus Sa'yo Ang Kapurihan
Kaluwalhatian Ngayon At Magpakailanman
Hesus Sa'yo Ang Karangalan
Kapangyarihan Ngayon At Magpakailanman
Bridge 2
Hesus Sa'yo Ang Kapurihan
Kaluwalhatian Ngayon At Magpakailanman
Hesus Sa'yo Ang Karangalan
Kapangyarihan Ngayon At Magpakailanman
Chorus 3
Pupurihin Ka Sa Awit
Itataas Ang Aking Tinig
Itatanghal Sa Buhay Ko'y
Tanging Ikaw Oh Diyos
Higit Pa Sa Kalangitan
Ang Iyong Kaluwalhatian
Kadakilaan Mo'y 'Di Mapapantayan
Chorus 4
Ikaw Ang Tunay Na Diyos
Ika'y Walang Katulad
Ika'y Nag Iisa Ikaw Lamang Wala Ng Iba
Sa'yo Ang Aming Awit Dinggin Ang Aming Tinig
Isisigaw Sa Buong Mundo
Isisigaw Sa Buong Mundo
Isisigaw Sa Buong Mundo
Kadakilaan Mo