Intro
Verse 1
Nagising, Nakatingin
Bagong Buwan Ang Sumisilip
Ibang Bituin Ikaw Pa Rin
Binubulong Sa Hangin
Pre-Chorus
Hanggang Sa Kahuli-Hulihang Luha't Ulan
Hanggang Sa Huling Hantungan
Chorus
Anumang Panahon
Anumang Agos At Alon
Saan Man Mapadpad
Tanging Hahanapin Ay Ang
Kislap Ng 'Yong Mata
Dampi Ng 'Yong Mga Kamay
Sa 'King Mukha Aking Sinusumpang
Sa Bawat Sansinukuban
Handa Akong Subukan
Interlude
Oooh
Verse 2
Haplos Ng 'Yong Pagmamahal
Dinarasal Na 'Wag Kang Mawala
Hiling Ko Lang Sa Maykapal
Dalhin Ako Sa Kung Saan Ka Man Mapunta
Pre-Chorus
'Di Ko Kakayanin
Mawalay Ka Sa Akin
Sa Bawat Buhay Ko'y Ikaw Pa Rin
Chorus
Anumang Panahon
Anumang Agos At Alon
Saan Man Mapadpad
Tanging Hahanapin Ay Ang
Kislap Ng 'Yong Mata
Dampi Ng 'Yong Mga Kamay
Sa 'King Mukha Aking Sinusumpang
Sa Bawat Sansinukuban
Handa Akong
Bridge
Labanan Ang Tadhana At
Manikluhod Sa Kawalan
Ika'y Paninindigan Hindi Bibitawan
Magbago Man Ang Sinag At
Haplos Ng Araw At Buwan
Ika'y Paninidigan Hindi Bibitawan
Chorus
Anumang Panahon
Anumang Agos At Alon
Saan Man Mapadpad
Tanging Hahanapin Ay Ang
Kislap Ng 'Yong Mata
Dampi Ng 'Yong Mga Kamay
Sa 'King Mukha Aking Sinusumpang
Sa Bawat Sansinukuban
Handa Akong
Anumang Panahon
Anumang Agos At Alon
Saan Man Mapadpad
Tanging Hahanapin Ay Ang
Kislap Ng 'Yong Mata
Dampi Ng 'Yong Mga Kamay
Sa 'King Mukha Aking Sinusumpang
Sa Bawat Sansinukuban
Handa Akong Subukan
Outro
Handa Akong Subukan