Verse 1
Pwede Bang Aminin Ang Nadarama
Sa Paraang Ika'y Hindi Mawawala
Takot Masaktan
Lungkot Ang Kalaban
Pwede Bang Sabihin Ang Mga Hiling
Ang Mga Sa Kadiliman Ko Nililihim
Takot Malaman
Ang Katotohanan
Pre-Chorus
Ayaw Kong Damdamin
Kung Sakaling Itatanggi At Ibubulong
Ang Matagal Nang Nadaramang Pagmamahal
Chorus
Hindi Papatulan
Ang Mga Sigaw Ng Damdamin
Kahit Na 'Di Mapasa'kin
Ang Tanging May Hawak Ng Puso Ko, Oh
Hindi Mahawakan
Kahit Na Ang Lapit Mo Sa'kin
Iaalay Na Lang Sa Hangin
Ang Tanging Hangarin Ng Puso Ko
Interlude
Verse 2
Pwede Bang Punitin Mga Pahina
Kung Saan Mamahalin Ka Ng Iba
Takot Madatnan
Kang May Kasintahan
Pwede Bang Hawakan Ang Iyong Kamay
Kahit Na Hindi Ako Ang Kasabay
Mo Sa Pagtanda
Hindi Tinadhana
Pre-Chorus
Oh Ayaw Kong Damdamin
Kung Sakaling Itatanggi At Ibubulong
Ang Matagal Nang Nadaramang Pagmamahal
Chorus
Hindi Papatulan
Ang Mga Sigaw Ng Damdamin
Kahit Na 'Di Mapasa'kin
Ang Tanging May Hawak Ng Puso Ko, Oh
Hindi Mahawakan
Kahit Na Ang Lapit Mo Sa'kin
Iaalay Na Lang Sa Hangin
Ang Tanging Hangarin Ng Puso Ko