Intro
Verse 1
Kung Ang Tagalog Ng Goat Ay Kambing
Pwede Bang Manghingi Ng Lambing?
Kung Ang Tagalog Ng Corn Ay Mais
Hindi Mo Ba Ako Nami-Miss?
Kung Ang English Ng Saging Ay Banana
Wala Na Bang Pag-Asa Ang Tayong Dalawa
Ang Elbow Sa Tagalog Ay Siko
Ba't 'Di Na Lang Ako Ang Piliin Mo?
Chorus
Parang Walang Kwentang
Malaman Kung Anong Tagalog O Ingles Nila
Kung Hindi Naman Kita Kasama
Anong Silbi Nito?
Kung 'Di Naman Ikaw Ang Magtuturo
Kung Ang Tagalog Ng Cow
Ay Baka 'Di Na Talaga Ako
Ohh Ohhh
Verse 2
Ang Kiss Sa Tagalog Ay Halik
Sa Iyong Mga Halik Ako'y Nananabik
Ang Tagalog Ng Wait Ay Hintay
Hihintayin Kita Hanggang Ako Ay Mamatay
Kung Sa English Sinasabi Natin, "I Love You"
Mahal Kita, I'll Never Look For Someone New
Sa Tagalog, 'Di Maghahanap Ng Iba
Ikaw Ang Para Sa'kin Kung Hindi'y 'Wag Na, Ah
Chorus
Parang Walang Kwentang
Malaman Kung Anong Tagalog O Ingles Nila
Kung Wala Naman Tayong Dalawa, Aah
Walang Silbi Ito
Kung Ikaw Ay Magkaro'n Na Ng Bago
Kung Ang Tagalog Ng How Ay
Paano Na Lang Ako
Ohh Ohhh
Bridge
Kahit Saan Linggwahe Pa
Isalin Ang Mga Salita
Ang Mga Kahulugan Walang Kwenta
Kung Ika'y Wala
Ano Naman Kung Ang Tagalog Ng World Ay Mundo
Kung Sa Mundo Mo Ay Hindi Na Ako
Outro
Kung Ang Tagalog Ng Cow
Ay Baka Mag-Isa Na Lang Ako
Ohh Ohhh