Verse 1
Walang Umiimik
Parehong Nakatulala
Habang Nakatitig Sa Ulan
Takot Ka Bang Ako'y Masasaktan?
Tila Nanlalamig
'Di Magawang Kumapit Pa
'Wag Mong Pipilitin, Tama Na
Hindi Mo Na Kailangang Magsalita
Chorus
Nakikita Sa 'Yong Mata
Tuluyan Na Bang Mawawala?
Verse 2
Ating Minimithi
Hindi Na Ba Makikita?
Ipapaubaya Sa Iba
Pangako Nating 'Di Matutupad
Chorus
Nakikita Sa 'Yong Mata
Tuluyan Na Bang Mawawala?
Post-Chorus
Nariyan Ka Pa Ba?
Maghihintay Ako
'Wag Sanang Sabihin
Kinatatakutan Ko
Naririnig Mo Ba
Ang Pakiusap Ko?
'Di Na Pipilitin Kung 'Yan Ang
Chorus
Nakikita (Paulit-Ulit Lang Nakikita)
Sa 'Yong Mata (Palagi Kang Naaalala)
Tuluyan Na Bang (Ang Tangi Kong Gustong Makasama)
Mawawala (Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko)
Post-Chorus
Nariyan Ka Pa Ba?
Maghihintay Ako
'Wag Sanang Sabihin
Kinatatakutan Ko
Naririnig Mo Ba
Ang Pakiusap Ko?
'Di Na Pipilitin
Kung 'Yan Ang Totoo
Outro
Sa'n Man Mapadpad
Pangako Sa Iyo
Alaala Natin
N.c.
Iingatan Ko