Chordyes

Baha

KASSA & Poison 13 & Onad의 Baha 가사

Chorus Ayan Na, Ayan Na Ang Ulan Tumakbo Na Sa Kawalan Lumangoy Sa Kasakiman Lubog Sa Kapabayaan, Ayan Na Verse 1 Ang Ulan Sa Munti Mong Barong-Barong Ingatan Ang Lahat Maging Supling Mong Kalong-Kalong Halo-Halong Kalungkutan At Problemang Patong-Patong Sa Ulang 'Di Ka Masasalba Ng Kahit Anong Payong Ito Ang Bunga Ng Kasakimang Pinipitas Kung Nandito Yung Baha Ba't Pondo Yung Nililimas Magagarang Kasuotang May Bahong Umaamoy Dapat Silang Mga Buwaya Dito Ang Lumalangoy Hanggang Dibdib Lang Ng Pato, Wala Pang Kalahati Pagtapos Ng Ulan May Kasunod Pang Bahaghari Hindi, Walang Ganun Mukhang Hindi Yun Maaari Dahil Dito Sa Pinas Ang Kasunod Nun Dalamhati Minsang Umulan, Minsang Bumaha Minsan Merong Tulong Pero Madalas Wala May Minsang Nakaligtas At May Minsang Nakahandusay Ga'no Kadalas Ang Minsan Kung Minsan Ka Lang Mabuhay N.c. Sila Lang Ang Ligtas At Mapayapa Sapagkat N.c. Ang Pagsalba Ay Pagsalbahe Pala Sa Ating Lahat Chorus Ayan Na, Ayan Na Ang Ulan Tumakbo Na Sa Kawalan Lumangoy Sa Kasakiman Lubog Sa Kapabayaan Ayan Na Ang Ulan (Ayan Na Ang Ulan) Ayan Na Ang Ulan Oh, Ooh Verse 2 Inuulan Ng Kamalasan Ang Pinas, Mawalang Galang Po Ang Sarap Po Yata D'yan Ng Inyong Pagkakaupo Habang Yung Iba Naglilimas Ng Tubig Sa Mga Tahanan Kayo Naman Nilimas N'yo Ang Kaban Ng Bayan Lubog Na Ang Pinas, Mawalang Galang Po Ang Sarap Siguro D'yan Kaya Hindi Makatayo Komportable Kalagayan At Mga Higaan N'yo Ah Kaya Ba Yung Nasa Laylayan Hinayaan N'yo N.c. Mga Ayudang Pamigay Na Pampalubag Ng Loob N.c. Sa Harap Ng Media Syempre Para Daw Mapanood Chorus Ayan Na, Ayan Na Ang Ulan (Kasalanan Daw Ng Tao 'Yan, Lubog Na Ang Pamayanan) Tumakbo Na Sa Kawalan (Wala Silang Paki Maski Ikaw Pa Ay Mamatayan) Lumangoy Sa Kasakiman (Gusto Nilang Masanay Kang Lumusong Sa Baha At Ang) Lubog Sa Kapabayaan (Nakaupo'y Bulsa Ang Mas Kapakanan) Ayan Na Ang Ulan, Ayan Na Ulan (Grabe Nang Gobyerno 'Yan, Ang Hirap Lumangoy At Sumabay Na Lang Sa Agos) Ayan Na Ang Ulan (Kung Harap-Harapan Ang Karapatan Ay Nakagapos) Oh, Ooh (Sira Na Ang Pinas Habang Sila Napakaayos, Wala Man Lang Proyektong Natatapos, Aba Ayos) Outro Sabay-Sabay Tayong Lulubog Sabay-Sabay Tayong Lulubog Sabay-Sabay Tayong Lulubog Sabay-Sabay Tayong Lulubog Sabay-Sabay Tayong Lulubog Sabay-Sabay Tayong Lulubog