Intro
Verse 1
Interesado
Ako Na Malaman
'Di Lang Ang 'Yong Pangalan
Sa'n Ang 'Yong Tirahan
Maging Ang 'Yong Pinagkakaabal'han
Handa 'Kong Aralin
At Kabisaduhin
Paboritong Pagkain Mo Pati Inumin
Lugar Na Gustong Puntahan Ay Libutin
Chorus
Hayaan Mo Lang Sanang
Iparamdam Ko Sa'yo
Kung Gaano Kita Kailangan
Verse 2
Interesado
Ako Na Baguhin
Aking Mga Kilos At Mga Gawaing Alam Kong
'Di Mo Sa'kin Gugustuhin
Kahit Alanganin
Aking Pipilitin
Isasantabi Mga Takot, Kabang Bumabalot
'Di Papayagang Manaig
Chorus
Hayaan Mo Lang Sanang
Iparamdam Ko Sa'yo
Kung Gaano Kita Kailangan
Post-Chorus
Maari Bang Sa 'Kin Ka Mamalagi
Sa Tuwing Ika'y Nag-Iisa?
Ramdam Ang Payapa
Sa Tuwing Ika'y Aking Kapiling Na
Verse 3
Interesado
Ako Na Samahan
Ka Sa Pag-Abot Ng Hangarin Hanggang Sa Palarin
Handa Akong Maging Saksi
At Interesado Rin Ako Na Gugulin
Sa'yo Mga Sobra Kong Oras, Libreng Mga Araw
Sa'yo Ko Lang Ilalaan
Chorus
Hayaan Mo Lang Sanang
Iparamdam Ko Sa'yo
Kung Gaano Kita Kailangan
Post-Chorus
Maari Bang Sa 'Kin Ka Mamalagi
Sa Tuwing Ika'y Nag-Iisa?
Ramdam Ang Payapa
Sa Tuwing Ika'y Aking Kapiling Na
Outro
Interesado
Ka Rin Ba Na Malaman
Ang Aking Pangalan, Sa'n Aking Tirahan
Maging Aking Pinagkakaabal'han