Intro
Hindi Kita Tatantanan Hangga't
Wala Pang Tan-Tan-Tanan
Tan-Tan-Tanan
Sa Hirap At Ginhawa
Sa Lungkot At Sa Ligaya
'Di Kita Tatantanan
'Di Kita Tatantanan
Verse 1
'Sin Tayog Ng Buwan Ang Siyang Nais
Makamtan Kahit Labis Mang Saktan
Basta't Makamit Ang Yakap At
Kiss-Lap Ng Matang May Tamis
Ng Pagsintang 'Pag Napasakin Ka'y
Nasa Akin Na Ang Lahat
Pre-Chorus
Kay Tagal Kitang Hinintay
At Kay Tagal Ko Ring Naligaw
Ngayong Nandyan Ka Na, Ayoko Na
Ayoko Na Sa Iba, Kasi
Chorus
Hindi Kita Tatantanan Hangga't
Wala Pang Tan-Tan-Tanan
Tan-Tan-Tanan
Sa Hirap At Ginhawa
Sa Lungkot At Sa Ligaya
'Di Kita Tatantanan
'Di Kita Tatantanan
Verse 2
Asintado Nang Pagpana Ni
Kupido Ang Mga Damda-Min
Natin Laging Sabik At Miss Na Miss
At Mistulang Mga Batang Nagwish
Sa Mga Talang 'Wag Na Sanang Mawala
Dahil Mawawala Ang Lahat
Pre-Chorus
Kay Tagal Ko 'Tong Hinintay
At 'Di Na Ako Maliligaw
Dahil Nandyan Ka Na, Ayoko Na
Ayoko Na Sa Iba, Kasi
Chorus
Hindi Kita Tatantanan Hangga't
Wala Pang Tan-Tan-Tanan
Tan-Tan-Tanan
Sa Hirap At Ginhawa
Sa Lungkot At Sa Ligaya
'Di Kita Tatantanan
'Di Kita Tatantanan
Sinta
Bridge
At Kung Maaari Ay
Ikaw Na Ang Parati Na
Gustong Maging Bahagi Ng
Aking Habang Panahon
Pinapangako Ko Ngayong
Inibig, Iibigin At
Iniibig Sabihin Ay
Chorus
Hindi Pa Rin Tatantanan
Kahit Pa Tayo'y Tatanda Na
Tatanda Na
Maubos Man Ang Araw
Pagsinta Ko'y 'Di Papanaw
'Yan Ang Laging Tatandaan
Lagi Mo Sanang Tatandaan, Sinta
Outro