Intro
Verse 1
Inaya Niya Ko Sa Poblacion
“Anong Gagawin Do'n?“ Sabi Niya Iinom
'Di Ko Alam Kung Bakit? 'Di Ko Alam Kung Pa'no?
Alam Kong May Nagbago Nu'ng Pauwi Na Tayo
Baka Nadala Ka Lang Sa'yong Emosyon
Sa Magagandang Ilaw Nu'ng Gabi Na 'Yon
Kaya Ka Napaisip, Napasabi Na Baka
Iba Na Ang Hinahanap Ng Iyong Labi
Pre-Chorus
Bakit 'Di Mo Nalang Sabihin
Ang Tunay Na Damdamin Mo Sa Akin?
N.c.
Meron Ba O Wala?
Chorus
Kaya Ngayong Gabi
Kakalimutan Nalang Na Ako’y Iyong Sinang Tabi
Dahil Magkaibigan Lang Tayo
Pero Ba't Iba'ng Sinisigaw Ng Mga Mata Mo?
Verse 2
Kinabukasan No'n, Ako Rin Ay Naguluhan
Kung Sa'n Ba Lulugar?
Magkaibigan Pa Rin Ba O Ka-Ibigan Na?
Sinadya Mo Siguro Na Guluhin Ako
Dahil Alam Na Alam Mong Sasabihin
Alam Na Alam Mo Kung Pa'no Ako Kunin
Pre-Chorus
Bakit 'Di Mo Nalang Aminin
Na Merong Pagtingin?
Magkaibigan Lang Ba Talaga?, Haa
Chorus
Kaya Ngayong Gabi
Kakalimutan Nalang Na Ako’y Iyong Sinang Tabi
Dahil Magkaibigan Lang Tayo
Pero Ba't Nag-Iba Ka Na
Kaya Ngayong Gabi
Kakalimutan Nalang Na Ako’y Iyong Sinang Tabi
Dahil Magkaibigan Lang Tayo
Pero Ba't Iba'ng Sinisigaw Ng Mga Mata Mo?
Bridge
Isang Buwan Ang Lumipas Ugat Ay Ayaw Kumupas
Isang Taong Natapos 'Di Pa Rin Ako Napapaos
Na Isigaw Sa Langit At Itanong Kung Bakit Mo
Nagawa ‘To Sa'kin Pagkatapos Kong Umamin
Isang Buwan Ang Lumipas Sugat Ay Ayaw Humilom
Isang Taong Natapos Nananatili Pa Rin Na Kulong
Ang Puso Kong Gabi-Gabi Na Nagtatanong
Kung Kelan Ba Mag Kaka- Ibig
Sabihin Ang Mga Pinagsamahan
Natin Sa Poblacion
Outro
Sa Poblacion
Ang Dami Kong Hindi Natanong
Sa Poblacion
Sa Poblacion