Verse 1
Kamusta Ka Na Kaya D'yan?
Sayang Lang At 'Di Mo Na Nasaksihan
Bagay Na Naabot Ko At Mararating Pa Lang
Kamusta Ka Na Kaya D'yan?
Nawa'y Walang Hirap Na Nararamdaman
'Wag Ka Nang Mag-Alala
Ayos Lang Aming Kalagayan
Pre-Chorus
Pakatatandaang 'Di Ka Malilimutan
Chorus
Walang Araw Na 'Di Kita Naaalala
Sa Panaginip Lagi Kang Bumibisita
Kung Pwede Lang Ibalik Ang Panahon Sandali
Yayakaping Mahigpit
Hanggang Sa Mawala Na Lahat Ng Sakit
Kahit Isang Saglit
Interlude
Verse 2
Palaging Sinasariwa
Sandaling Masaya Tayong Dalawa
Hiling Ko Lagi Sa Hangin Sana Ay Nandito Ka
Handa Kong Bitawan Ang Lahat Sa Ngayon
Bigyan Lang Ako Ng Pagkakataong
Marinig Muli Ang Iyong Tinig Kahit Pabulong
Pre-Chorus
Pakatatandaang 'Di Ka Malilimutan
Chorus
Walang Araw Na 'Di Kita Naaalala
Sa Panaginip Lagi Kang Bumibisita
Kung Pwede Lang Ibalik Ang Panahon Sandali
Yayakaping Mahigpit
Hanggang Sa Mawala Na Lahat Ng Sakit
Kahit Isang
Bridge
Saglit Na Panahon Lang Ang Kailangan
Hindi Man Lang Kita Nagawang Pasalamatan
Ngayo'y Punong-Puno Ng Panghihinayang
Daming Pagkakataon Ang Aking Sinayang
Chorus
Walang Araw Na 'Di Kita Naaalala
Sa Panaginip Lagi Kang Bumibisita
Kung Pwede Lang Ibalik Ang Panahon Sandali
Yayakaping Mahigpit
Hanggang Sa Mawala Na Lahat Ng Sakit
Kahit Isang Saglit