Chorus
Ayan Na, Ayan Na Ang Ulan
Tumakbo Na Sa Kawalan
Lumangoy Sa Kasakiman
Lubog Sa Kapabayaan, Ayan Na
Verse 1
Ang Ulan Sa Munti Mong Barong-Barong
Ingatan Ang Lahat Maging Supling Mong Kalong-Kalong
Halo-Halong Kalungkutan At Problemang Patong-Patong
Sa Ulang 'Di Ka Masasalba Ng Kahit Anong Payong
Ito Ang Bunga Ng Kasakimang Pinipitas
Kung Nandito Yung Baha Ba't Pondo Yung Nililimas
Magagarang Kasuotang May Bahong Umaamoy
Dapat Silang Mga Buwaya Dito Ang Lumalangoy
Hanggang Dibdib Lang Ng Pato, Wala Pang Kalahati
Pagtapos Ng Ulan May Kasunod Pang Bahaghari
Hindi, Walang Ganun Mukhang Hindi Yun Maaari
Dahil Dito Sa Pinas Ang Kasunod Nun Dalamhati
Minsang Umulan, Minsang Bumaha
Minsan Merong Tulong Pero Madalas Wala
May Minsang Nakaligtas At May Minsang Nakahandusay
Ga'no Kadalas Ang Minsan Kung Minsan Ka Lang Mabuhay
N.c.
Sila Lang Ang Ligtas At Mapayapa Sapagkat
N.c.
Ang Pagsalba Ay Pagsalbahe Pala Sa Ating Lahat
Chorus
Ayan Na, Ayan Na Ang Ulan
Tumakbo Na Sa Kawalan
Lumangoy Sa Kasakiman
Lubog Sa Kapabayaan
Ayan Na Ang Ulan (Ayan Na Ang Ulan)
Ayan Na Ang Ulan
Oh, Ooh
Verse 2
Inuulan Ng Kamalasan Ang Pinas, Mawalang Galang Po
Ang Sarap Po Yata D'yan Ng Inyong Pagkakaupo
Habang Yung Iba Naglilimas Ng Tubig Sa Mga Tahanan
Kayo Naman Nilimas N'yo Ang Kaban Ng Bayan
Lubog Na Ang Pinas, Mawalang Galang Po
Ang Sarap Siguro D'yan Kaya Hindi Makatayo
Komportable Kalagayan At Mga Higaan N'yo
Ah Kaya Ba Yung Nasa Laylayan Hinayaan N'yo
N.c.
Mga Ayudang Pamigay Na Pampalubag Ng Loob
N.c.
Sa Harap Ng Media Syempre Para Daw Mapanood
Chorus
Ayan Na, Ayan Na Ang Ulan
(Kasalanan Daw Ng Tao 'Yan, Lubog Na Ang Pamayanan)
Tumakbo Na Sa Kawalan
(Wala Silang Paki Maski Ikaw Pa Ay Mamatayan)
Lumangoy Sa Kasakiman
(Gusto Nilang Masanay Kang Lumusong Sa Baha At Ang)
Lubog Sa Kapabayaan
(Nakaupo'y Bulsa Ang Mas Kapakanan)
Ayan Na Ang Ulan, Ayan Na Ulan
(Grabe Nang Gobyerno 'Yan, Ang Hirap Lumangoy At Sumabay Na Lang Sa Agos)
Ayan Na Ang Ulan
(Kung Harap-Harapan Ang Karapatan Ay Nakagapos)
Oh, Ooh
(Sira Na Ang Pinas Habang Sila Napakaayos, Wala Man Lang Proyektong Natatapos, Aba Ayos)
Outro
Sabay-Sabay Tayong Lulubog
Sabay-Sabay Tayong Lulubog
Sabay-Sabay Tayong Lulubog
Sabay-Sabay Tayong Lulubog
Sabay-Sabay Tayong Lulubog
Sabay-Sabay Tayong Lulubog