Kamukha Mo Si Paraluman,
Nung Tayo Ay Bata Pa
At Ang Galing-Galing Mo Sumayaw,
Mapa Boogie Man O Cha-Cha
Ngunit Ang Paborito,
Ay Pagsayaw Mo Ng El Bimbo
Nakakaindak, Nakakaaliw,
Nakakatindig Balahibo
Pagkagaling Sa Skwela Ay
Didiretso Na Sa Inyo,
At Buong Maghapon Ay
Tinuturuan Mo Ako
Magkahawak Ang Ating Kamay,
At Walang Kamalay-Malay
Na Tinuruan Mo Ang Puso Ko,
Na Umibig Ng Tunay
Naninigas Ang Aking Katawan,
Pagumikot Na Ang Plaka
Patay Sa Kembot Ng Bewang Mo,
At Ang Pungay Ng Iyong Mga Mata
Lumiliwanag Ang Buhay,
Habang Tayo'y Magkaakbay
At Dahan-Dahang Dumudulas,
Ang Kamay Ko Sa Makinis
Mong Braso
Sana Noon Pa Man Ay
Sinabi Na Sa Iyo,
Kahit Hindi Na Uso Ay Ito
Lang Ang Alam Ko
Magkahawak Ang Ating Kamay,
At Walang Kamalay-Malay
Na Tinuruan Mo Ang Puso Ko,
Na Umibig Ng Tunay
La La La La
La La
La La
La La La La
Lumipas Ang Maraming Taon,
Di Na Tayo Nagkita
Balita Ko'y May Anak Ka Na,
Ngunit Walang Asawa
Tagahugas Ka Raw Ng Pinggan
Sa May Ermita
At Isang Gabi Nasagasaan,
Sa Isang Madilim Na Eskinita
Lahat Ng Pangarap Ko'y
Bigla Lang Natunaw,
Sa Panaginip Na Lang Pala
Kita Maisasayaw
Magkahawak Ang Ating Kamay,
At Walang Kamalay-Malay
Na Tinuruan Mo Ang Puso Ko,
Na Umibig Ng Tunay
Magkahawak Ang Ating Kamay,
At Walang Kamalay-Malay
Na Tinuruan Mo Ang Puso Ko,
Na Umibig Ng Tunay
La La La La
La La
La La
La La La La