Intro
Verse 1
Gumagaan Ang Lahat Kapag
Magkadikit Ang Aming Balat
O Kay Sarap Niyang Kayakap
Habang Nakatingin Sa Alapaap
Humihinahon Ang Mga Pintig
Ng Puso Kong Hindi Mapakali
Sa Tuwing Nariyan Siya
Ay Tumitila Ang Pagbuhos
Ng Aking Luha
Chorus
Sansinukob, Sansinukob
Pwede Ka Bang Makasabwat
Nang Makarating
Ang Tanging Hinihiling
Kay Bathala, Ikaw Na’ng Bahala
Na Ayusin Ang Hanay Ng Mga Bituin
Nang Makarating
Ang Tanging Hinihiling
Verse 2
Pikit-Mata Ako Na Susugal
Bawat Numero Ay Tatayaan
Mapagbigyan Lang Na Madinig Ang
Pintig Ng Puso Na Siya Ang Laman
Chorus
Sansinukob, Sansinukob
Pwede Ka Bang Makasabwat
Nang Makarating
Ang Tanging Hinihiling
Kay Bathala, Ikaw Na’ng Bahala
Na Ayusin Ang Hanay Ng Mga Bituin
Nang Makarating
Ang Tanging Hinihiling
Interlude
Bridge
O Bathala, Ikaw Na’ng Bahala
Ang Puso Ko’y Maninindigan
At Nangangako Sa'yong Harapan
Chorus
Sansinukob, Sansinukob
Pwede Ka Bang Makasabwat
Nang Makarating
Ang Tanging Hinihiling, Ohh Wohh
Kay Bathala, Ikaw Na’ng Bahala
Sana Naman Ay Mapagbigyan
Maghihintay Ako Kahit Ilang Siglo Man
Outro
O Bathala