Intro
Verse 1
Ang Daming Nang Nagbago Sa′Kin
'Di Naman Ako Dating Gan′To
At Kung Iisiping Malalim
Lahat Ng 'To Ay Dahil Sa'yo
Pre-Chorus
Natuto Akong Aralin Ka
′Di Ko Rin Inakala Na
Aabot Ako Sa Punto Na
Chorus
Paborito Ko Na Rin Ang Matcha
Nagkakape Na Rin Kahit ′Di Umaga
Ibigin Mo Lang Ako Sinta
At Handa 'Kong Sabayan
Ang Lahat Ng Gusto Mong Gawin
Dahil Wala Na
'Kong Iba Pang Gugustuhin
Verse 2
Kahit Ano Pa Ang Mangyari
Tandaang Nandito Ako
Isang Tawag Mo Lang Kung Sakali
Pupunta Rin Agad Sayo
Pre-Chorus
Natuto Akong Aralin Ka
′Di Ko Rin Inakala Na
Aabot Ako Sa Punto Na
Chorus
Handang Bumyahe Sa Pampanga
Pagod At Layo Sa ′Kin Ay 'Di Alintana
Ibigin Mo Lang Ako Sinta
Kahit Na Huling Barya
Sa Pitaka′Y Aking Gagastusin
Dahil Wala Na
'Kong Iba Pang Gugustuhin
Bridge
Kung 'Di Ang Mapangiti Ka Na Ako′Ng Dahilan
At Kalungkutan Ay ′Di Mo Na Maramdaman
Kahit Saglit Man Lang
Problema Mo'y Ako Munang Papasan
Chorus
Sasamahan Kang Mag-Ukay
Ako Magdadala Lahat Kahit Mangalay
Sabihin Mo Lang Aking Sinta
Kung Ika′Y May Pangamba
At Handa Kong Ika'y Pakalmahin
Dahil Wala Na
'Kong Iba Pang Gugustuhin